1. Pagsusuri sa mga Piling Tulang
Kapampangan; Implikasyon sa
Pagtuturo ng Malikhaing Pagsulat
sa Filipino
Reggie O. Cruz, Ed.D.
Tagapangulo
Departamento ng Humanidades at Agham Panlipunan
Angeles City Senior High School
DEP ED -Dibisyon ng Lungsod ng Angeles
2. Panimula
Gaya ng ibang panitikan sa Pilipinas ang
panulaang Kapampangan ay dumaraan sa
pagbabago, pag-unlad at paghina. Naging tanyag
ang mga makata at pagsulat ng matapos ang
ikalawang digmaang pandaigdig. Ang mga
patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang anyong
pampanitikan ay dinumog ng mga manunulat.
Pinaparangalan ang mga pinakamagagaling na
makata na siyang nagbibigay inspirasyon sa iba
pang mamamayan na tangkain ang pagsulat sa
lokal na wika. (Lacson, 1984)
3. • Kasunod ng pag-unlad nito ay ang paghina ng
panulaan nang ang tuon ng mga mamamayan
ay ang globalisasyong nagaganap sa Clark Air
Base noong 1990 na nagbigay ng trabaho sa
mamamayang Pampangeno. Naging suliranin
pa ang pagputok ng Bulkang Pinatubo na
nagpahirap nang husto sa ilang bayan ng
Pampanga. Ang mga matatandang makata ay
nanatili pa rin sa pagsulat ngunit ang bagong
timpla ng panulaan ay hindi naging epektibo sa
mga mamamayan. (Lumbera, 2001)
4. • Kahit may mga ilang pagtatangkang
ibangon ang panitikang Kapampangan
lalo na ang panulaan, hindi parin naaakit
ang mga batang manunulat na magsulat
ng inang-wika, nabanggit ni Gallardo
(1981) na mas uunahin pa ang magsulat
sa wikang Ingles at wikang Filipino
sapagkat dito maaring kumita ang isang
makata o manunulat na may angking
galing sa pagsulat.
5. • Naidagdag ni Mallari (2002) na
nakakabahala na ang panitikang lokal ay
naiiwan na sa agos ng panahon sa
pagpantay sa pambansang panitikan lalo
na sa makabagong istilo at pamamaraan.
6. • Naibahagi rin ni De Ungria (2009) sa
kanyang pagkilatis sa iba’t ibang
panitikang lokal sa Pilipinas na sinipi ang
pahayag ni Mallari na napag-iiwanan ng
napakaraming hakbang ang
Kapampangan sa bilang ng mga
manunulat at mga napapanahong
kaalaman sa pagsulat ng panulaan at iba
pang uri nito.
7. • Sa pagkakataong ito, napakalaking tulong
na masuri ang iba’t ibang porma ng tulang
kapampangan upang maipakita at
mapatunayan ang mga pagsasalarawan
ng mga eksperto sa panitikan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga piling
tulang Kapampanganang representante
ng dalawang yugto ng panahong
magpapalinaw sa penominong umiiral sa
panitikang lokal.
8. • Sa pagsusuri ng tula mas mainam na
magsuri na tinitignan ang dalawang anyo
nito. Tinitignan ang makabagong tulang
umiiral ngunit binibigyang halaga pa rin
ang mga klasikong panulaan (Coroza,
2006)
9. • Ang pagganyak ng mananaliksik na umusad sa
ganitong larangan ng pagsusuri ay upang
makatulong sa hangaring makapagsimula ng
pundasyon sa nagbabago ring anyo ng
pagtuturo ng sekondaryang edukasyon. Ang
kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon ay
nagpalabas ng isang natatanging programa ng
sining o Special Program of the Arts (SPA) at
ito’y may isang sangay sa Malikhaing Pagsulat
sa Filipino na maaring ganyaking isama ang
lokal na wika upang mas maging
kapakipakinabang ang programa sa
pagpapaunlad ng panitikan sa pamamagitan ng
malikhaing pagsulat.
http://www.bse.ph/index.php/component/content/articl
10. Paglalahad ng Suliranin
• Upang makamit ang layuning maipakita ang implikasyon
ng mga piniling tulang Kapampangan sa pagtuturo ng
malikhaing pagsulat sa Filipino sa antas sekondarya,
Kinakailangang masagot ng mananaliksik ang mga
sumusunod na katanungan.
• Paano pinili ang mga tula sa pag-aaral?
• Paano isinagawa ang pagsusuri?
• Paano magagamit ang pag-aaral na implikasyon sa
pagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Filipino?
11. 1. Paraan ng Pagpili ng mga Tula
Ang pagpili ng mga tulang sinusuri
ay nakabatay sa pag-aaral ni
Wilson (2007) ukol sa pagpili ng
tulang isasali sa kanyang
pagtuturo na binatay sa edad at
karanasan ng mga mag-aaral.
Naging pamantayan nito ang
mga sumusunod;
12. • A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng
tula
• B) Ang mga tula ay nalathala bilang
antolohiya
• C) Ang mga paksa ay naayon sa
karanasan at edad ng mga mag-aaral
13. • A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng
tula
• B) Ang mga tula ay nalathala bilang
antolohiya
• C) Ang mga paksa ay naayon sa
karanasan at edad ng mga mag-aaral
14. • A) Barayti o pagkakaiba ng mga porma ng
tula
• B) Ang mga tula ay nalathala bilang
antolohiya
• C) Ang mga paksa ay naayon sa
karanasan at edad ng mga mag-aaral
15. • Narito ang sampung tulang kombensyonal na mula sa mga
nalathalang antolohiya ng mga tula ni Querobin Fernandez
na Bakas Panas (1997). Ang mga pinili ay ayon parin sa
pamantayan na ito’y dapat na magkaiba at naayon sa lebel
ng mga kabataan sa sekondaryang edukasyon. Nakatala
ang pamagat ng tula at uring kinabibilangan..
• 1. Panalangin -1 - Isang Sonetong Asyano
• 2. Atlung Panalangin - Sampung taludtod bawat saknong
• 3. Himno ning Mabalacat - Tulang Liriko
• 4. I Don Monico Mercado - Labingdalawang taludtod bawat
saknong
• 5. Salita - Senteto
• 6. Pamagsikap - walong taludtod sa bawat saknong
• 7. Disiplina-dalawang tula na maaring pagsanibin bilang
isang tula
• 8. Pamangulila - karaniwang tulang may apat na taludtod
bawat saknong
• 9. Kapalupa - isang saknong na tula
• 10. Ing Lugud Ku Keka - Kinteto o limang taludtod sa
isang saknong
16. • Ang sumusunod na makabagong tulang Kapampangan
ay mula sa antolohiya ng mga tula na Tuglung I (2002)
at Tuglung II (2012), ito ay kinilala ng National Culture
for The Arts at ito ay nalathala na mula sa pondo ng
naturang ahensya. Anim na makata ang isinali sa
pananaliksik na inisip parin ang iba’t ibang porma at
temang inakma sa mga kabataang makikinabang. Pitong
tula mula sa Tuglung I (2002) ang isinama na mula sa
makatang si Anne Carol D. Magbanta, Anne Therese D.
Magbanta at Cezar C. Cachero.
• 1.(Nanu Iti?) – malayang taludturan,
• 2. Uran – onomatopea na tula
• 3. King Kanakung Kinaul – 29 na linyang tula
• 4. Bulung Dutung – 7 linyang tula na may irregular na
bilang ng pantig
• 5. Luklukan – may tatlong saknong na may mga irregular
na bilang
• 6. Salubong – may dalawangpu’t isang linyang tula
• 7. Alang Pakiramdam – labing-apat na taludtod sa isang
saknong
17. • Ang natitirang tatlong tula ay mula sa nailimbag
na antolohiyang Tuglung II (2012) mula sa
tatlong makata na sina Oliver Santos, Kragi
Garcia at Anac ning Arenas na isang bansag
panulat ng isang makatang Kapampangan.
• 8. Quing Panaung ita- iba’t ibang linya sa bawat
saknong
• 9. Impun - Malayang taludturan na may 28 linya
at isang saknong lamang
• 10. Ing Pangane- may limang saknong na iba’t
ibang bilang ng taludtod
18. Pagpili ng makabagong
pagbasang pampanitikan
• Pinili ang mga makabagong pagbasang
pampanitikan batay sa hakbang na
ginawa nina Evasco, et. al (2011) at Yu
(2011)
23. Evasco et.al (2011)
Yu (2011)
KONTEKSTUWAL
KONTEKSTO
Nakasanayang kaugalian at pamumuhay ng tao
Isyung panlipunan
Ugnayan ng Kultura sa Pambansang kalagayan
Nakalipas na pangyayari na nag-ugat sa pagbabago ng lipunan
Papolar na impluwensyang namamalasak sa mga Kapampangan
24. Evasco et.al (2011)
SUBTEKSTO
Hiwaga at natatagong mensahe na nais ipabatid ng makata
Kagandang-asal at wastong pamumuhay.
Maling gawaing nakita sa tula
25. TEKSTUWAL NA PAGSUSURI
SUBTEKSTONG PAGSUSU
NTEKSTUWAL NA PAGSUSURI
Sukat, Tugma,
Astetiko/Tayutay,
Kaisipan o Tema, Sesura
Nakasanayang
Kaugalian, Isyung
Panlipunan, Ugnayan
ng Kultura, Nakalipas
na Pangyayari,
Kulturang Papolar
Hiwaga o Natatagong
Mensahe, kagandahang
asal, wastong pamumuhay,
maling gawain
26. DISIPLINA
ni
Querobin Fernandez Jr.
• Pagsusuring Tekstuwal
• Ang tulang ito ay tinawag ni Querobin Fernandez na
Malikwatas o Malikmatang Kawatasan. Ito’y isang tula
na kapag hinati sa gitna ay makakabuo ng dalawang tula
na may magkakahawig paring kaisipan. Ang tulang
Disiplina ay may tatlong taludturan, senteto o anim na
taludtod. May labing anim na pantig na ang sesura ay
halos nasa ikalawalong pantig maliban lamang sa unang
taludtod ng una at ikalawang saknong.
27. /Minsan,/mebengi ku,/ Tatang,/ mitake ku king barkada/
/“Ustu na!”/ nganang inang ku,/ “e me tatampalasanan”/
Sa unang linya mula sa unang saknong ay may
apat na bahagyang paghinto dala ng bantas na kuwit at
tatlong sesura naman sa unang linya mula sa ikalawang
saknong. Maliban sa dalawang taludtod lahat ay may
dalawang bahagyang paghinto.
/Nabengi pu biglang-bigla,/ nabengi ikong mebante/
/E ko minuling bitasa,/ e ko dinatang king bale./
/Ganing-aldo nang mistul/ inyang datang kong mainge;/
/Inyang muli kong tutukba,/ ikit dakong sunde-sape,/
/Inya pala nako sigla,/ inya pala nako lare,/
/Kinabukas kong totoma,/ melasing kong masalese!/
28. • Ang ikatlong saknong na nabasa ay katulad din ng una
at ikalawang saknong na ganap ang pagtutugma. May
isang tunog lamang ang ginamit. Pansinin ang ikalawang
saknong.
“Ustu na!” nganang Inang ku, “e me tatampalasan,
“Malunus ka keng anak mu,” yawat nakong Inang kanyan.
“Pangaralan mu nyang ustu… usuk mu ing kailangan;
“At yan e ne pasibayu, pilming kaya nang tandanan.
“Alang marok a kabayu, ing kabayu e damba man
“king matinung mangutseru…King kutserung mayap talan!”
29. • Maramdamin ang tono ng buong tula na
pinatutunayan ng padamdam na tayutay sa
hulihang taludtod ng bawat saknong. Galit ang
nararamdaman ng bata para sa kanyang ama
na dinaan agad sa pisikal na kaparusahan sa
anak na umuwi ng lasing. Waring isang maikling
tulang pasalaysay na may kuwento at nakaukit
sa isipan ang mga eksenang buhay na
nagaganap sa malikhaing haraya ng
mambabasa. Mapapansin din ang ganda ng
tulang ito sa paghati nito sa pangwalong pantig
ng lahat ng taludtod at makakabuo ng dalawa
pang tula na may iisa pa ring tema.
30. Minsan, mebengi ku, Tatang, Mitake ku king barkada,
Maka-inum kung dinatang, Disan dakong maninaya,
E nako dakal a kitang… Tambing yu kung pemitsera!
Penunduk yuku king awang! Timpaling yu ku mingatba.
Mengapildis ku pu sikang King tumbuk a kaku digpa,
King parusang alang tuknang Misara ku adwang mata!
“Ustu na!” nganang Inang ku, “E me tatampalasan,
“Malunus ka keng anak mu,” Yawat nakong Inang kanyan.
“Pangaralan mu nyang ustu “Usuk mu ing kailangan;
“At yan e ne pasibayu, Pilming kaya nang tandanan.
“Alang marok a kabayu, “Ing kabayu e damba man
“king matinung mangutseru” “King kutserung mayap talan!”
Nabengi pu biglang-bigla, Nabengi ikong mebante
E ko minuling bitasa, E ko dinatang king bale.
Ganing-aldo nang mistula Inyang datang kong mainge;
Inyang muli kong tutukba, Ikit dakong sunde-sape,
Inya pala nako sigla, Inya pala nako lare,
Kinabukas kong totoma! Melasing kong masalese!
31. • Nakita ang paghati ng isang tula na nagdulot ng
paglitaw ng dalawang tula. Isang malikhaing
pagtangkang makagawa ng ganitong ayos ng
tulang napanatili parin ang kaisipan at kaisahan
ng mga pahayag. Isa pang katangian ng tulang
ito ay kahit pagbaligtarin ang dalawang tula sa
kanilang puwesto at pagsamahin muli para
maging isang tula ay mabubuo parin sa maayos
na kaisipan ang tulang sinusuri.
32. Mitake ku king barkada, minsan, mebengi ku, Tatang,
Disan dakong manenaya, maka-inum kung dinatang,
Tambing yu kung pemitsera…E nako dakal a kitang!
Timpaling yu ku mingatba, Penunduk yuku king awang!
King tumbuk a kaku digpa, Mengapildis ku pu sikang,
Misara ku adwang mata king parusang alang tuknang!
“E me tatampalasan, “Ustu na!” nganang Inang ku,
Yawat nakong Inang kanyan. “Malunus ka keng anak mu,
“Usuk mu ing kailangan… pangaralan mu nyang ustu
“Pilming kaya nang tandanan. at yan e ne pasibayu
“Ing kabayu e damba man, alang marok a kabayu,
“King kutserung mayap talan, king matinung mangutseru”
Nabengi ikong mebante, nabengi pu biglang-bigla
E ko dinatang king bale. e ko minuling bitasa,
Inyang datang kong mainge; ganing-aldo nang mistula;
ikit dakong sunde-sape inyang muli kong tutukba,
Inya pala nako lare,Inya pala nako sigla,
melasing kong masalese, kinabukas kong totoma!
33. • Nanatili pa rin ang tugmang ganap kahit
na ito’y hinati sa dalawa at kahit
nagkaroon ng paglilipat. Nanatili pa rin
ang daloy ng kaisipan at naisalaysay pa
rin ang kuwento sa loob ng tula na lutang
ang imahe ng mga pangyayari sa poesya.
34. Pagsusuring Kontekstuwal
• Sa isang tipikal na pamilyang Kapampangan, malaki ang
takot na nadarama ng anak sa kanyang ama sa dahilang
siya ang may hawak ng batas ng pagdidisiplina sa
tahanan. Ang inang nagsisilbing ilaw ang siyang
takbuhan ng problema at madalas na
nakakapalagayang-loob ng mga anak. Mapapansin na
sa tula’y ang ugnayan ng tatay at anak na lalake sa
pamilya. Hindi ganoong nag-uusap ang dalawang lalake
sa tahanan. Mapansin ito na sa pagdating palang ng
anak na lalake sa bahay ay agad na itong binugbog o
sinaktan. “E na ko dakal a kitang, tambing yu kung
pemitsera”. Ang ugnayang ito ay mapapansin sa mga
tipikal na pamilyang Kapampangan. Ang ina ang
tagaawat sa mga gulo ng pamilya, siya rin ang
tagapamayapa. “Eme tatampalasanan, usta na!,
nganang inang ku”. Lubusang malaki ang kasalanan ng
isang anak na lumaban sa kanyang mga magulang kaya
naisasaloob na lamang ng isang bata ang kanyang
hinanakit at umaapoy na damdamin.
35. • Ang ganitong ugnayan ng anak sa ama ang
siyang nagiging karaniwang ayos ng
pagsasamahan na sadyang nagpapalaki ng
suliraning sa pamilya. Ang bukas na pakikipag-
usap at malawak na pag-iintindihan ay salat na
nababanaag sa pamilyang Pilipino lalo na
umiiral pa rin ang kultura na nararapat na hindi
magbigkas ng pabalang ang isang nakakabata
sa nakakatanda. Ang labis na pag-iral ng
ganitong kultura ay nagpapalaki ng palaisipan
ukol sa mga tanong na hindi nasasagot.
36. • Gaya ng tulang sinusuri mapagtatanto ang iba’t
ibang sanga ng pag-inom ng isang ama nang
minsang umuwi siya sa bahay na makikinita sa
huling saknong. “Nabengi pu bigla-bigla, E ko
minuling bitasa, Ganing-aldo nang mistula, Inyang
muli kong tutukba, inya pala nako sigla, Kinabukas
kong totoma!”. Ang ganitong palaisipan ng pag-inom
ng alak ng ama ang siyang nagiging dahilan ng mas
lalong matinding alitan sa pagitan ng ama at ang
kanyang anak. Ang ganitong suliranin ay maagapan
sa pagsisimula ng isang relasyon na bukas at totoo
sa isa’t isa na siyang nagpapagaling at
magpapaagap ng daplis ng di-pagkakaunawaan.
Ang kultura ring ito ng Kapampangan na kultura rin
ng mga Pilipino sa pangkahalatan ay maging
repleksyon sa uri ng pamilyang tumatakbo sa
tahanan at makilatis kung nakikisabay sa agos ng
suliraning unti-unting nagpapabuwal sa tunay na
kulturang dapat na namamayani sa bawat pamilya
at ito ay ang pagmamahalan at pagkakaunawaan.
37. Pagsusuring Subteksto
• Mahirap ang maging magulang at ang isang
pamantayan ay ang maayos na pagdidisiplina at
pagpapalaki ng isang supling. Sa tulang sinusuri’y may
dalawang uri ng pagdidisiplina ang mapagtatanto. Ang
una’y ang paggamit ng dahas na pinapakita ng ama sa
unang saknong samantalang ang ina’y nagpakita ng
pagdisiplina na payapa at walang ginagamit na kamao
kundi ang mapagmahal na kalinga at pagkakaunawaan.
Ang disiplinang pulos kabaitan ay magmimistulang
halamang hindi man lamang pinapaarawan at
nasosobrahan ng tubig samantala ang disiplinang
ginagamit ang takot ay isang halamang ibinibilad sa
araw na hinahayaang matuyo hanggang ito’y mamatay
sa tindi ng init ng naghaharing araw.
38. • Ang proseso ng pagpapalaki ng anak ay
nagsisimula sa paayos na usapan. Walang
mapapala ang isang magulang na labis na
hinihigpitan ng isang anak at hinahayaang
maging pipi ng sariling damdamin. Ang
kabutihan ay nagsisimula sa payapang pag-
uusap at maayos na pagkakasunduan. Ang
isang magulang ay isang kaibigang maaring
lapitan ng anak sa oras ng pagdirimdim at hindi
ito isang kaaway na kinamumuhian at
ikinalilinsik ng damdamin. Naging isang mulat na
pagkakataon ang tula upang maparanas ang
bunga ng uri ng pagdidisiplina na malayang
mapili ng isang magulang.
39. • Samantala, ang isang magulang na hinahayaan
na lamang ang anak na gawin ang nais nito na
walang katiting na higpit at takot ay mauuwi sa
mali ring paglingap. Nararapat malaman sa
isang magulang na magdisiplina sa isang anak
na gagamitin ng konting kaparusahan ngunit
kinakailangang bukas ang isipang maibulalas
ang kadahilanan ng pagdidisiplina bilang bahagi
ng pananagutan ng magulang. Ang isang
matagumpay na magulang ay dumaraan din sa
kamalin at ang pag-aminin nito sa mga anak ay
nagpapalakas lalo sa respeto at pagmamahal ng
mga anak sa kanyang mga kinamulatang unang
guro niya sa buhay.
41. (Nanu Iti?)
Anne Carol D. Mabanta
• Pagsusuring Tekstuwal
Ang tulang ito ay tinuturing na malayang
taludturan na may apat na estropa. May
irregular na bilang ng taludtod sa bawat
estropa. Ang una’y may pitong linya,
siyam na linya sa ikalawang saknong,
pitong linya sa ikatlong saknong at apat
na linya sa huling saknong.
42. • Irregular ang bilang ng mga pantig at maituturing na
isang tugmang di-ganap. Masusuri rin na sa una
hanggang ikatlong estropa na may mga nagtutugmang
mga taludtod. Sa unang saknong magkatugma ang ritmo
ng una at ikalawang taludtod gayundin ang ikaanim at
ikapitong taludtod.
Tahimik ya ngeni
ing bengi;
Lupang masalese
ing egana-gana
pero, ali
angga keng mate ku
siguru mangabangungut ku.
43. • Samantala ang ikalawa, ikatlo at ikalimang taludtod ay
makikita ang pagtutugma gayundin sa ikalima at ikapitong
taludtod ng ikatlong estropa. Ang ikaapat na estropa ay
walang makikitang tugma.
Sadya-sadya
alas sais pamu,
makagayak na ku;
Dapat…
parati kung malagu.
E ku malyaring
milako obra,
inya agyang masakit
mibabata ku.
Ngeni
a dili-dili kung makalukluk,
mimisip…
kasnukan ku
ing alang agawa;
parati ku mung
nung nanu agaganaka
44. • Ang sesura ay iba-iba ayon pa rin sa mga
bantas na ginamit. Mapapansin ang
paggamit ng elipsis na makikita sa ikaapat
ng taludtod sa ikalawang saknong,
ikatlong taludtod sa ikatlong saknong at
ikalawang taludtod sa ikaapat na saknong.
Ang paggamit nito’y nangangahulugan ng
matagal na paghinto na nagbibigay ng
damdamin sa pagbigkas ng tula. Ang
paghahati ng panandaliang paghinto ay
maipapakita sa buong tulang sinipi.
45. • Sa simula pa lamang mababatid na ang
paggamit ng balintuna na isalarawan ang
tahimik na gabi at kaayusan ng ang lahat ng
bagay ngunit bangungot itong maituturing
hanggang kamatayan. Waring nagpapakita ng
mga pahiwatig ang persona sa trabahong
kanyang kinasasadlakan at ito’y hindi man
tuwirang sinasambit ngunit mapagtatanto sa
mga pahiwatig tulad ng gabi, maayos ang
pananamit at itsura na ang persona ay
nagbibigay ng panandaliang aliw ngunit may
pahiwatig din na hindi niya nagugustuhan ang
ganitong trabaho sa mga salitang tulad ng
bangungot, mahirap ngunit kailangang magbata
at laging may inaalala.
46. • Ang pagsasambit ng persona na naghihintay
ang isang Hapon sa kanya ay nagpapahiwatig
ng karangyaan na kaya tinitiis ang trabahong
kinasasadlakan ay sa dahilang may asawang
sumusuporta sa kanya. Sa pangkahalatan ang
tula’y nagbabahagi ng kaisipan ukol sa isang
trabahong umiiral sa kasalukuyang panahon.
Ito’y prostitusyon o pagbibigay ng panandaliang
ligaya na gamit ang sariling katawan bilang
puhunan.
47. Pagsusuring Kontekstuwal
• Maituturing na isang talamak na trabaho ang
pagbebenta ng panandaliang ligaya lalong-lalo
na sa mga karatig lungsod ng Pampanga.
Nagsimula ang ganitong kalakaran nang
dumating ang mga Amerikano at nagtayo ng
base-himpapawid sa lungsod ng Angeles at dito
nagsulputan ang mga lugar-aliwan na
pinupuntahan ng mga sundalong Amerikano. Sa
ganoong pagkakataon ay nagsimulang tahakin
ang isang trabahong madaling kitain. Ang
kultura ng pagbebenta ng sarili ay nagpapatuloy
hanggang sa kasalukuyan.
48. • Hindi lamang ang mga kababaihan ngayon ang lantad
sa ganitong uri ng pangangalakal ngunit pati na rin sa
mga kalalakihan. Marami ring sumusubok na
makapagtrabaho na puhunan lamang ang hubog ng
katawan at lakas ng loob para kumita. Marami sa mga
sumusubok nito’y madalas na dahilan ang kahirapan na
nagbibigay ng pagkakataon ding mawalan ng respeto sa
sarili at makadama ng lungkot na pinakita rin sa tula.
Ang Kulturang ito’y namamayani lalo na sa ibang
nahihirapan sa buhay na ang tanging naikikintal na
kalutasan sa problema ng kahirapan ay paghahanap ng
asawang dayuhan.
49. • Ang mentalidad na ang pag-asa ng
kaginhawaan ay pagtagpo ng isang dayuhan ay
laganap haggang sa internet sites Marami na rin
ang nagtatangkang gamitin ang bagong
teknolohiya upang ibenta ang sarili sa mga
dayuhan. Ang Kultura mang ito ay nagpapatuloy,
ang puso nama’y nagpapatuloy na nalulumbay
sapagkat hindi ito ang nais ng puso ngunit
napapadala lamang sa bulong ng kahirapang
nagpapabigat sa kalooban at nagpapahina ng
isipang makalaya sa kultura ng kaginhawaan.
50. Pagsusuring Subteksto
• Likas na isinilang ang tao na itinanim ang binhi ng
kawastuhan at kamalian sa kanyag kaluluwa upang
magbigay ng kalayaang mamili. Ang tulang sinusuri ay
nagpapakita ng epekto ng pagpili ng desisyong
ipagpatuloy ang trabahong kinakapitan . Ang karangyaan
ay maaring matamo ng persona ng tula ngunit ang
kaluluwa nito’y nagpapatuloy na nagnanaknak sa sakit
na dulot ng pagpili ng kasalanan na nagdudulot ng
bagungot sa persona. Hindi pinapatahimik ng mabuting
konsiyensiya ang paggawa ng kamalian at
pinatutunayan ito sa tula na sadyang dumadami pa ang
alalahanin sa pagdili-dili at pananahimik ng persona.
51. • Sa katahimikan madalas nangungusap ang Panginoon
at sa tagpong yaon naaapektuhan ang persona ng tula.
Ang tula’y nagtuturo ng pagpili ng kasiyahan sa buhay
na matatagpuan sa pamamagitan ng paggawa ng wasto
at naayon sa kabutihang panlahat. Ang epekto ng
patuloy na pagbabad sa kasalanan ay tumitindi at
maaaring magdulot ito ng mas malaking problema lalo
na sa espiritwal na pamumuhay. Ang prostitusyon ay
hindi solusyon sa kahirapan at pinalalala lamang nito
ang suiranin. Ang kahirapan ay malalampasan sa
matiyaga at masipag na determinasyong umunlad sa
sariling pagsisikap at ito’y nakagagaan ng kalooban.
53. Ang Antas na Pagbasang
Tekstuwal, Kontekstuwal at
Subtekstuwal
• Napakahalaga rin ang antas ng pagbasa sa pagtuturo ng
malikhaing pagsulat sapagkat mabibigyan ng proseso
ang mga mag-aaral sa pagbasa ng mga piling tulang
Kapampangang isinali sa pananaliksik. Ang mga
prosesong ito kung susundan ay magbibigay ng
panibagong kakayahan ang mga mag-aaral sa pagbasa
ng panitikan at sa tulong ng pamamatnubay ng guro sa
malikhaing pagsulat.
54. • May naidudulot na malaking salik ang
mga antas ng pagbasa sa epektibong
pagsulat upang mapayaman ang kaisipan
at kakayahan ng guro at mga mag-aaral
sa pagkatuto ng pagsulat ng tula.
Nagiging daan din ito upang magkaroon
ng tiwala ang manunulat sa mga tulang
nalilikha na ang salik ay ang maayos na
pagbabasa ng mga tula.
56. Kongklusyon
• Ang mga piniling tula’y may iba’t ibang barayti. May mga
tulang ginamitan ng sukat na kopla, terseto, kwarteto,
kinteto at senteto sa isang taludturan. May saknong na
isang linya lamang ang ginamit, walong linya, sampung
linya, labingdalawang linya sa bawat taludturan. May
mga sukat na irregular ang pantig may mahahaba at
maiikling taludtod at may mga taludtod na isang salita
lamang ang ginamit. May nakitaan ng tugmang ganap at
mga tugmang di-ganap gayundin ang mga tulang walang
tugma. Ang tulang ayon sa uri ay halos may sukat at
tugma, May mga malayang taludturan, blankong berso,
soneto, tulang liriko at tulang pambata, may tulang
pasalaysay, tulang bayograpikal.
57. Ang mga tayutay na ginamit ay may
barayti rin. Mapapansin sa mga sinuring
tula ang paggamit ng pagtutulad,
pagwawangis, paurintao, pagsasatao,
pahiwatig, pag-uulit, pag-uyam,
pangitain, padamdam, balintuna,
pagsasatunog, panawagan. May mga
tulang ginamitan ng pagsasalarawan at
pagsasalaysay.
58. Ang lahat ng piniling tula ay may iba’t
ibang tema ukol sa iba’t ibang aspeto ng
buhay mula sa sarili, sa pakikipagkapwa,
sa pakikitungo sa lipunan at sa
pananalig sa Diyos. May mga tulang
may maseselan na tema katulad ng
prostitusyon at katapusan ng mundo.
59. May pagkakataong may mga tulang
Kontemporaryo na nagtutugma na
nagbibigay ng impresyon na may
pagkakapit pa rin ang mga makata sa
pagtutugma na isang elemento ng
makalumang pagtula.
60. Ang mga piniling tula ay kakakitaan ng
Kultural na konteksto sa pagiging isang
Kapampangan at pagiging isang Filipino.
Natalakay rin ang ilang makasaysayang tagpo
ng Pampanga mula sa panahon ng pagtatayo
ng base himpapawid sa Clark at pagputok ng
Bulkang Pinatubo. Natalakay rin ang ilang
lugar at personalidad sa Pampanga gayundin
ang ilang mahahalagang tao sa lipunang
kapampangan gaya ng ama at ina ng tahanan.
61. • Halos lahat ng tula ay may sangkap ng
makabansang kultura ay sumusunod sa
kalakaran ng lipunan sa pangkahalatan.
Ito ay napatunayan sa mga sinuring mga
tula
62. 1. Ang mga piniling tula ay kakikitaan ng
karunungang nakapagturo ng aral sa
mga mambabasa. Tinuturuan ang mga
mambabasa sa ibat ibang birtud gaya ng
disiplina, pagtitimpi, kabaitan,
pagmamahal, pagtitiis, kasipagan
makakalikasan. Ang mga piiling tula ay
nagtuturo rin ng pamantayang moral na
mahalaga sa paghubog ng kaisipan at
puso ng kabataang Kabataan.
63. Ang mga tulang pinili ay maaring
basahin sa tatlong antas na pagbasang
pampanitikan. Ang mga ito ay ang
pagbasang Tekstuwal, Kontekstuwal at
Subtekstuwal.
64. Ang mga tulang pinili ay kakikitaan ng
kaangkupan sa mga kabataang
mambabasa at maaring gawing lunsaran
sa pagtuturo ng panulaang
Kapampangan sa klase sa malikhaing
pagsulat.
65. Rekomendasyon
• Maaring gamitin ang pananalisik na ito bilang
batayan sa mga aralin sa Malikhaing Pagsulat
sa Filipino na ang gamit ay ang pagtuturo ng
tulang Kapampangan. Ang mga piling tulang
nasuri ay magiging modelong tula na gagawan
ng mga aralin sa Malikhaing pagsulat.
66. • Ang antas ng pagbasa ay imumungkahing gamitin sa
pagtuturo ng pagbasa lalo sa panitikan. Ang
pagdaragdag ng Intertekstong pagbasa bilang
karagdagang antas ay malaking tulong sa pagtuturo
ng panitikan at malikhaing pagsulat.
• Ang pagsusuri ng ibang genre ng panitikan gaya ng
Maikling Kuwento, Nobela at Sanaysay sa
Kapampangan ay magandang mungkahi sa
pananalisik sa hinaharap. Ang pagsusuri sa ibang
genre ay makatutulong sa pagdagdag ng pananaliksik
pampanitikan upang makita rin ang kalakaran ng
sumisibol na teknik sa pagsulat.
67. • Ang paghikayat sa mga administrador ng mga
paaralang may Special Program for The Arts ng
Departamento ng Edukasyon na gamitin ang mga
piniling tula bilang modelong tulang maaaring basahin
at suriin ng mga mag--aaral bilang isang sangay ng
Malikhaing Pagsulat sa Filipino upang makalugdan
ang mga tula at mahikayat na makapagsulat ng
poesya sa wikang Kapampangan.
• Imumungkahi rin ang paghihikayat sa mga paligsahan
sa pagsulat ng tula upang mabigyang kalinangan ang
pagsulat ng Kapampangan sa mga kabataang may
angking galing sa larangan ng pagsulat.
• Hinihikayat din ang paggamit ng iba’t ibang estilo ng
panulat at gamitin ang kontemporaryong pagtula
bilang tugon sa makabagong takbo ng panitikan at
makasabay sa pambansa at pandaigdigang takbo ng
panulaan sa kasalukuyan.